top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Mayor Jowar Personal na Inalam ang Kondisyon ng mga Angatenyo


Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong #EgayPH (Doksuri), ayon sa PAGASA subalit kahit nasa labas na ng PAR ang bagyo, nahahatak pa rin nito ang hanging Habagat na nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa. Sa kasalukuyan ay nag-iikot ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Team sa pagmomonitor ng sitwasyon ng mga kapwa Angatenyo na maaaring binaha na o negatibong naapektuhan ng pabugsu-bugsong malakas na pag-ulan ngayong araw.

Personal silang sinamahan ni Mayor Jowar upang alamin nang personal ang kondisyon ng mga kababayan. Nananawagan din po siya sa iba pang mga Angatenyo na magbigay ng update sa sitwasyon ng kanilang mga lugar sa kanilang Sangguniang Barangay o di kayaý makapag-ugnayan sa mga Emergency Hotlines nai to: 09239263393 (Angat Rescue), 09985985373 (PNP Angat), 09150557981 (BFP Angat) o sa 09222781017 (RHU Angat).


Manatili na lamang po sa ligtas na lugar upang maiwasan ang sakuna o anumang aksidente. Ingat po ang lahat!

3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page