top of page
bg tab.png

MAYOR JOWAR REPORTS: ANGAT SUPER RHU, SERBISYONG PANGKALUSUGAN MAS MALAPIT, MAS MAAASAHAN

Sa gitna ng mga katanungan kung bakit wala pang pampublikong ospital sa bayan ng Angat, isang makatuwirang paliwanag ang dapat maipabatid: hindi po ganoon kadali ang mga rekisito sa pagtatayo ng government hospital. May mahigpit na guidelines mula sa Department of Health (DOH) na kailangang sundin mula sa lokasyon, pasilidad, manpower, hanggang sa funding at accreditation.


Sa katunayan, may sinubukan nang simulan sa nakaraang panahon, ngunit hindi ito umabot sa pamantayan ng DOH at kalaunan ay hindi naging operational. Dahil dito, natutunan ng kasalukuyang administrasyon na ang pagpaplano ay dapat matalino, tapat, at nakaangkla sa tamang proseso.


Kaya’t habang inaasikaso at pinagpaplanuhan ang mga kinakailangang hakbang para sa isang ospital, sinikap ng administrasyon ni Mayor Jowar ang pagtatayo ng isang “Angat Super Health Center— isang malawak at dekalidad na health facility na makakatugon sa agarang pangangailangan ng mamamayan. Ito ay nabigyang kaganapan sa suporta nina Sen. Bong Go at Cong. Ador Pleyto.


Bukod dito:

✅ May aktibong partnership sa mga pribadong ospital tulad ng Twincare at Sto. Niño upang matulungan ang mga pasyente sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo (GL o Guarantee Letter) para sa kanilang hospital bills.

✅ Tuloy-tuloy ang libreng hatid-sundo ng mga pasyente patungo sa mga referral hospitals tulad ng EAMC.

✅ Serbisyong medikal ay inilalapit sa mga barangay sa pamamagitan ng Munisipyo sa Barangay at Angat Kalusugan initiatives.


Hindi kailanman pinababayaan ng pamahalaang bayan ang aspeto ng kalusugan. At habang may limitasyon ang pondo, walang limitasyon ang malasakit.

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page