MAYOR JOWAR REPORTS: GULAYANGAT FESTIVAL, PAGDIRIWANG NG SIKAP NG MAGSASAKA AT PAGKILALA SA YAMAN NG ANGAT
- Angat, Bulacan
- 3 minutes ago
- 1 min read

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Angat, nagkaroon na tayo ng sariling pagdiriwang —ang GULAYANGAT FESTIVAL na inilunsad noong taong 2022 sa ilalim ng pamumuno ni #1MayorJowarBautista.
Matagal tayong nangarap na magkaroon ng pista na magsasalamin sa ating yaman, kabuhayan, at pagkakakilanlan bilang bayan. At sa GulayAngat Festival, nagbukas ang isang bagong tradisyon na nagsisilbing parangal sa mga magsasaka, selebrasyon ng ating agrikultura, at pagkilala sa Angat bilang bayang masagana sa ani at kultura.
Ito ay higit pa sa selebrasyon kundi pagbubuo ng identidad. Ngayon, may pista na tayong maipagmamalaki na galing sa atin, kwento natin, para sa atin.
Sa pamumuno ni Mayor Jowar, nabuo ang diwang nagpapalalim sa pagmamahal sa sariling bayan.
Comments