top of page
bg tab.png

MAYOR JOWAR REPORTS: PAGTATAYO NG MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF) SA BARANGAY BINAGBAG, HAKBANG PARA SA MAS MALINIS AT RESPONSABLENG BAYAN

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa tamang pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan, matagumpay na naipatayo ang Material Recovery Facility (MRF) sa Barangay Binagbag, isang konkretong hakbang ng pamahalaang bayan sa ilalim ng pamumuno ni #1MayorJowarBautista.


Ang MRF ay magsisilbing sentro ng tamang segregation at pagpoproseso ng basura mula sa barangay. Isa itong mahalagang estratehiya upang mabawasan ang basurang napupunta sa mga landfill at makalikha ng mga materyales na maaari pang mapakinabangan.


Dahil sa tulong ng MRF:

✅ Mas maayos ang koleksyon at paghihiwalay ng basura

✅ Mas ligtas at malinis ang kapaligiran

✅ Mas edukado ang mamamayan sa tamang solid waste management


Sa Barangay Binagbag, nagsimula ang pagbabago at ito ay itutuloy sa buong bayan ng Angat. Kalusugan, kalikasan, at kaayusan… lahat ay sabay-sabay na inaangat dahil sa maayos na kapaligiran.

תגובות


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page