Matagumpay na naisagawa ang opening ceremony ng Angat Mayor’s Cup 2024 Inter-Barangay (Basketball and Volleyball League) sa Angat Municipal Gymnasium noong Marso 23, 2024. Ang nasabing programa ay nag-umpisa sa isang parada ng mga manlalaro, at sa daloy ng programa naghatid ng mensahe ang mga panauhin. Matapos nito, ang mga manlalaro ay nanumpa o ang oath of sportmanship, na sinundan ng torch lighting bilang simbolo ng pormal na pagsisimula ng liga.
Ang okasyon ay pinanguhan ng mga opisyal ng bayan, kabilang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, at kinatawan ni Cong. Salvador Pleyto, Kon. Badong Pleyto, Bokal Jay De Guzman at mga punong barangay na nagbigay mensahe at suporta para sa palarong ito.
Layunin ng programa na magdulot ng kasiyahan at mag-angat ng kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng sports, habang tinutulak sila na lumayo sa mga nakapipinsalang bisyo. Isang mahalagang paalala sa bawat manlalaro ang prinsipyong "sports lang, walang personalan," na nagpapakita ng kahalagahan ng respeto at integridad sa larangan ng pampalakasan.
Comments