
Tagumpay!
Ngayong araw ay isinagawa ang Regional Field validation ng Gawad KALASAG sa Municipality of Angat Conference Room.
Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ay napagtagumpayang makapasok bilang isa sa mga kuwalipikado para sa Gawad KALASAG.

Dahil sa pagkakapasa sa validation na ito, paghahandaan muli ng Angat MDRRMC ang pagbisita na magmumula sa National Level.
Ito ay personal na dinaluhan ng ating Punong Bayang Hon. Reynante “Jowar” Bautista upang saksihan ang pagsasagawa ng Regional Validation na ito. Binigyang pugay ng ating Ama ng Bayan ang bawat miyembro ng konseho para sa kanilang sakripisyo sa bawat sakuna.
Ang programang ito ay dinaluhan ng mga Municipal Department Heads, mga Civil Society Organizations, BFP, PNP, private sector at mga konsehal ng Bayan.
Salamat rin sa mga validating team na pumunta sa ating bayan na sina:
- Richard S. Santos mula sa OCD
- Raymond Garcia mula sa OCD
- Alyssa Mae Topico representative mula sa DILG Regional Office
Ang MDRRMC kasama ang ating Punong Bayang Hon. Jowar Bautista ay hindi titigil at hindi mapapagod upang magbigay serbisyo para sa asenso ng bawat angateño.
Tayo ay mag sama-sama at magkaisa upang maging handa, maging ligtas, at maging panatag ang Bayan ng Angat!
Comments