MDRRMO Angat | 1st QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL
- Angat, Bulacan
- Mar 13
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa sa Angel M. Del Rosario Elementary High School ngayon araw.
Kasama sa aktibidad na ito ay ang Angat Bureau of Fire Protection na katuwang ng opisina ng MDRRMO para mapanatiling maayos at tagumpay ang 1st Quarter NSED 2025.
Nagkaroon rin ng Simulation Drill ang Angat MDRRMO kung saan ang isang indibidwal ay nilapatan ng paunang lunas at bandaging at splinting techniques at dinala sa ligtas na lugar.
Nagbigay oryentasyon rin ang pinuno ng MDRRMO na si MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr. sa naging ebaluwasyon sa isinagawang Earthquake Drill.
Binigyan rin ng opisina ang mga guro at mag aaral ng mga booklet na naglalaman ng kaalaman patungkol sa iba't-ibang disaster at mga maaaring gawin, kalakip rin rito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna.
Ang mga aktibidad na ito ay isang pagpapakita na HANDA, LIGTAS, at PANATAG ang Bayan ng Angat sa pagresponde sa kalamidad.
Ang ama ng Bayan ng Angat at pinuno ng MDRRM Council Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay buong suporta sa mga aktibidad ng opisina upang matiyak ang kaligtasa sa ating Bayan.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments