top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

MDRRMO Angat 3rd Quarter Meeting sa Taong 2022


Isinagawa ang 3rd Quarter Meeting ng ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Council para sa taong 2022.


Ang programa ay opisyal na binuksan ng ating Punong Bayan at nagbagi ng kanyang pambungad na pananalita. Sinimulan ang talakayan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer na si G. Carlos R. Rivera Jr. kasama si Gng. Ma. Lourdes A. Alborida upang iulat sa konseho ang inisyal na datos ng mga barangay na naapektuhan ng ST Karding.


Inalam at tinalakay din sa pagpupulong ng mga miyembro nito kung ano ang sanhi ng problema sa pagbaha sa ilang lugar ng ating bayan at kung ano ang maaaring epektibo na solusyon para dito. Ayon sa ulat, naibahagi na higit na naapektuhan ng bagyo ang mga pananim ng ating mga magsasaka,mga alagang hayop sa bukid, daan at tulay pampubliko, kabahayan at mga pamilya mula sa iba't ibang barangay.


Tinalakay din sa pagpupulong ang mga sumusunod:

• Initial Damage Assessment Report for ST Karding

• MDRRM Office Accomplishment Report

• Programs, Project and activities for CY 2022

• Weather Outlook for 4th quarter of 2022

• Iba pang bagay (Utilization Report, Realignment of 1M from CBMS, mga barangay na binaha: Sulucan, Sta. Cruz, San Roque, Banaban, Binagbag)


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan, Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan, ang mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO) kasama ang ilang mga pinuno ng tanggapan mula sa RHU, Budget Office, MPDO, MENRO, Mun. Engineering Office, MAO, MSWDO, BFP at PNP. Ang programa ay ginanap sa Jollibee Angat.


1 view0 comments

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page