MDRRMO ANGAT | CLIMATE AND DISASTER RISK ASSESSMENT
- Angat, Bulacan
- Mar 23
- 1 min read

Ang opisina ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng workshop patungkol sa Climate And Disaster Risk Assessment o CDRA noong Marso 19-21, 2025.
Ang CDRA ay isang programa na tumutukoy, sumusuri, at tumutugon sa mga epekto ng pagbabago sa ating klima at mga panganib na dulot ng sakuna. Ang CDRA ay isinasagawa upang tugunan ang mga pangunahing sanhi at epekto ng pagbabago ng klima sa ating Bayan.
Ang CDRA Training na isinagawa ay pinangunahan ng Department on Human Settlements and Urban Development - Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Division kung saan tinalakay ang iba't-ibang paksa tulad ng Climate Projection Data and Climate Impact Chain, Exposure and Risk Analysis, Mainstreaming CCA-DRR to Other Local Plans, at iba pa.
Kasama sa seminar-workshop na ito ang iba't-ibang pangunahing opisina na katuwang ng MDRRMO sa pagsasagawa ng Climate and Disaster Risk Assessment Plan.
Ang Punong Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay buong suporta sa mga aktibidad na makapagbibigay kapanatagan sa mamamayang Angatenyo.
Ang mga gawaing ito ay patunay na pagkalinga sa Bayan upang maging Handa, Ligtas, at Panatag ang Bayan ng Angat tungo sa isang Asenso at Reporma.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comentários