
Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nakiisa sa isinagawang 1st Quarter COLB Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO - Bulacan).
Ang pagpupulong na ito ay tinugunan ng mga Radio Operators ng bawat City at Municipal DRRM Office sa buong lalawigan ng Bulacan upang pagusapan at mas mapaagap ang bawat komunikasyon pagdating sa insidente at kalamidad.
Kasama sa pagpupulong ang pinuno ng Bulacan PDRRMO na si G. Manuel Lucban upang magbigay ng suporta at mas patatagin ang samahan ng mga radio operators na nagsisilbing daan sa pagbibigay ng mga importante at krusyal na impormasyon sa panahon ng kalamidad.
Patuloy ang suporta ng Punong Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa pagpapalakas ng sangay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa tulong ng pagpapagawa ng establisyimento at pagbibigay ng angkop na mga kagamitan para sa mas mabilis na pagtugon sa bawat sakuna at insidente.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comentários