MDRRMO ANGAT | EMERGENCY FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT - CARDIO PULOMONARY RESUSCITATION WITH AED TRAINING FOR ALTERNATIVELEARNING SYSTEM (ALS) STUDENTS
- Angat, Bulacan
- Mar 12
- 2 min read

Napagtagumpayan ng mga guro at mga magaaral ang isinagawang pagsasanay na pinangasiwaan MDRRMO katuwang ang buong Angat Rescue Team.
Sa pag sisimula ng ikalawang araw ng pag sasanay, ito ay sinumulan ng isang panalangin na pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr. at sinundan ng pagbalik tanaw sa mga natutunan nila sa unang araw ng pagsasanay.
Kasunod nito ay agad na dumako ang palatuntunan sa mismong pagsasanay. Itinuro ni MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr. ang mga dapat matutuhan patungkol sa choking o pagkabara sa daluyan ng hangin. Tinutukan ang mga mag aaral sa tamang paraan upang makapagsalba ng buhay kung ito ay hindi makahinga dahil sa pagbabara.
Sumunod naman rito ay pinangunahan ni LDRRMO II Maria Lilibeth F. Trinidad ang pagtuturo ng Bandaging at Splinting kung saan natutuhan ng mga mag aaral ang tamang pagbibigay paunang lunas gamit ang triangular bandage. Gayundin ay natutuhan ng mga mag aaral ang tamang pagposisyon ng splint kung sakaling may insidente na kailangan ng splinting technique upang maiwasan ang paglala ng injury.
Pinagaralan rin ng ALS learners ang lifting at moving sa isang pasyente kung ito ay mayroon nang paunang lunas na inilapat. Dito ay ginamit ang tinatawag na spine board upang matutuhan ng mga estudyante ang tamang pagbuhat kapag may kagamitan na presenta sa lugar ng insidente.
Magkatuwang sina G. Carlos R. Rivera Jr at Maria Lilibeth Flores Trinidad na nagbahagi ng mga mahahalagang kaalaman at kasanay sa mga kalahok sa pagsasanay na ito.
At sa pag tatapos ng pagsasanay kinilala ang mga natatanging kanahok na nagpakita ng kanilang galing at husay sa mga ginanap na pagsusulit.
Ayon sa mga kalahok:
"Pumunta po kami rito ng walang alam sa first aid training at hindi alam ang mangyayari sa training, pero ngayong araw uuwi po kame ng punong punong ng kasanayan at kaalaman. At nagkaroon din po kame ng mataas na pagtingin sa mga Rescue dahil, hindi po pala biro ang trabaho nyo. Dito po sa training nahirapan na kame, pano pa po kaya sa totoong buhay"
Ang bawat guro at magaaral ay tumanggap ng Certificate at first aid kit mula sa MDRRMC sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista na patuloy na isinusulong ang tunay na Asenso at Reporma sa ating Bayan.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments