

Patuloy na nararanasan sa Bayan ng Angat at ibang lugar ang sobrang init na panahon kung kaya't patuloy na pinag iingat ang mamamayanan. Kaya naman, ating alamin ang mga epekto nito at paano ito maiiwasan.
Ating tukuyin kung ano nga ba ang Heat - Related Health Emergencies? Ang Heat-Related Health Emergencies ay maaaring mangyari kung ang isang tao ay tuloy-tuloy na nakararanas o nakalantad sa mainit na lugar o klima.
Basahin ang Infographics na nasa ibaba para sa ibang impormasyon para tayo ay handa at ligtas sa mainit na panahon ngayong papasapit na tag-init.
Asahan na laging nakaantabay ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Bayan ng Angat sa pamumuno ni MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa isang Handa, Ligtas, at Panatag na Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments