top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat - isinagawa ang Project Field Validation sa mga Barangay ng Binagbag, Sta. Lucia, at Banaban

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Bumaba sa tatlong barangay ang mga opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) upang magsagawa ng Field Validation para sa mga ipapagawang proyekto para sa taong 2025.

Ang pagbaba sa mga barangay ay isinagawa upang masusing masuri ang mga lugar na paglalaanan ng pondo para sa mga proyekto upang mas maging #Ligtas at #Panatag ang bawat mamamayan sa panahon ng sakuna.

Masusing sinuri ang mga lugar at tiniyak na angkop ang ipagagawang proyekto. Nakipag usap rin ang mga ahensya ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga naaapektuhang lugar upang malaman ang kanilang mga karanasan.

Patuloy na naka gabay ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang mas maging Handa, Ligtas, at Panatag ang Bayan ng Angat.

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page