top of page
bg tab.png

MDRRMO ANGAT | LAWA AT BINHI PROGRAM – SITE INSPECTION

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD Angat), Municipal Agriculture Office of Angat, Bulacan at ilang kinatawan mula sa Provincial Social Welfare and Developmetn Office ay nagtungo sa Barangay Sta. Lucia upang suriin ang lugar na pagdarausan ng LAWA at BINHI Program.

Ang LAWA – Local Adaptation to Water Access at BINHI – Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished ay isang programa sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development na tinatasa na tahakin ang natural na paraan ng agrikultura at upang proteksyunan ang mamamayanan sa epekto nang lumalalang klima o Climate Change at Kalamidad hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Isa ring layunin nito ay makapag bigay ng seguridad ng pagkain sa bansa na lubhang naaapektuhan ng Climate Change at Kalamidad kung saan ang agrikultura ang pangunahing apektado.

Ang mga magsasakang Angateño ang pangunahing makikinabang sa programang ito na silang nagsisilbing pundasyon at nagsusuplay ng mga produkto hindi lamang sa Bayan ng Angat kundi sa karatig na lugar.

Ang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay bibigyang daan ang programa upang agarang maipatupad at makapagbigay oportunidad sa mamamayang Angateño para sa patuloy na Asenso at Reporma ng Bayan ng Angat.

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page