MDRRMO ANGAT | MGDH1 - MDRRMO G. CARLOS R. RIVERA JR. SUMAILALIM SA LEVEL 2 BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING
- Angat, Bulacan
- Mar 23
- 1 min read

Noong nakaraang linggo ay nakamit at napagtagumpayang natapos ni MGDH1 - MDRRMO G. Carlos R. Rivera Jr. ang Level 2 Incident Command System.
Ito ay mula sa paanyaya ng Office of Civil Defense Region 3 na pinangunahan ang nasabing pagsasanay.
Ang Incident Command System o ICS ay isang programa kung saan hinuhulma ang bawat kalahok sa masusi at kritikal na pamumuno sa oras ng kalamidad.
Ang pagsasanay na ito ay binubuo ng isang linggong pagsasanay at ang ICS ay may limang lebel at iba iba ang paksain sa bawat pagtuturo.
Ang mga pagsasanay na ito ay isang patunay na pagpapalakas sa lokal na mga opisina sa Bayan ng Angat sa pamumuno ng ama ng Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments