MDRRMO ANGAT, NAKIISA SA ISINAGAWANG FIRE OLYMPICS SA BAYAN NG ANGAT
- Angat, Bulacan
- Mar 17
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nakiisa sa isinagawang Fire Olympics na pinangunahan ng BFP R3 Angat Fire Station - Bulacan.
Kasama sa aktibidad na ito ay ang mga kinatawan ng iba't-ibang barangay na kalahok sa Fire Olympics 2025. Ang programang ito ay isang paraan upang mas mapalawig ang kaalaman sa pagsugpo sa sunog.
Ito ay isang mahalagang hakbang upang maging maagap at mabilis ang pagresponde gayon na kinikilala ang buwan ng Marso bilang isang Fire Prevention Month.
Ang MDRRMO Angat sa pangunguna ni MGDH1 - MDRRMO G. Carlos R. Rivera Jr. ay nagbigay ng mga mahahalagang puntos sa mga kalahok para mas mapaigting ang isang Handa, Ligtas, at Panatag na Bayang ng Angat.
Ang Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay buong lakas na sumusuporta sa mga aktibidad na makatutulong sa Bayan ng Angat na maabot ang isang Asensadong pamayanan.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comentarios