top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Rotaract Club of Angat sumailalim sa Basic Life Support - CPR with AED Training

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Ang Rotaract Club of Angat ay sumailalim sa pagsasanay sa pangunguna ng MDRRMO Angat para sa Basic Life Support - CPR with AED Training.

Ang pagsasanay na ito ay isinagawa upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman at karanasan ang mga kabataan patungkol sa pagsagip ng buhay.

Ang talakayan ay nakasentro sa pagtuturo sa mga tamang bandaging techniques na pinangunahan ni LDRRMO II Maria Lilibeth Trinidad. Gayundin ang Cardiopulmonary Resucitation with Automated External Defibulator na itinuro ni MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr..

Bilang pagtatapos ay ginawaran ng mga sertipikasyon ang mga kalahok para sa matagumpay nilang pag aaral sa BLS - CPR with AED.

Naging makabuluhan ang mga pagsasanay at nagbigay galak ang mga kalahok sa isang masusing pag ensayo sa kanila sa Basic Life Support.

Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087

 
 
 

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page