
Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity na pinangunahan ng mga tauhan mula sa SEPAR Environmental Corporation at GENETRON International Marketing kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office at Bureau of Fire PrMDRRMO ANGAT | TREE PLANTING ACTIVITY IN BARANGAY STA LUCIAotection (BFP R3 Angat Fire Station - Bulacan).
Ang Tree Planting Activity na ito ay isang manipestasyon sa pagpapabuti at pangangalaga sa kalikasan sa Bayan ng Angat kasama ang mga pribadong establisyimento. Ito ay patunay na magkakabalikat ang bawat mamamayanan ng Bayan ng Angat sa pakikiisa sa paglaban sa lumalalang klima ng panahon.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay buong suporta sa mga aktibidad na isinasagawa na makapagpapabuti sa Bayan at sa mamamayan ng Angat. Ito ay manipestasyon sa patuloy na Asenso at Reporma na isinusulong para sa mas maunlad na kinabukasan ng Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments