Sa direksyon ni MENRO Ms. Eveliza J. De Guzman, ang tanggapan ng MENRO Angat ay nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagsasagawa ng IEC (Information, Education and Communication Campaign) sa pamamagitan ng personal na pagbisita sa Barangay Laog, Angat, Bulacan. Ang kanilang kampanya ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng RA 9003, Act of 2000 at ang papel nito sa pagtataguyod ng isang matatag na Ecological Solid Waste Management System. Tinalakay din dito ang mga Tungkulin at Pananagutan ng BESWMC kung ano ang tamang balangkas at maipatupad ng angkop at tama. Sa ganitong paraan, patuloy nilang pinapalakas ang kanilang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan.
top of page
bottom of page
Comments