Ipinagpaliban ng MERALCO ang bahagi ng generation costs ngayong Hunyo upang makatulong sa pag-manage ng epekto ng pagtaas ng rate, kasama ang kanilang mga supplier at Energy Regulatory Commission (ERC).
Sa direktiba ng ERC, pinigil muna ang pagpapadala ng June 2024 bills hanggang sa matanggap ang final Wholesale Electricity Spot Market (WESM) bill. Layunin nitong mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa mga konsyumer.
Magkakaroon ng delay sa pagpapadala ng bills ngayong Hunyo, ngunit sinisiguro ng Meralco na maa-adjust ang due dates upang magkaroon ng sapat na oras ang mga kostumer para sa pagbabayad.
Comments