1. Magkano ang kailangan nating bayaran?
Para sa ating bayan ng Angat, ang RPT rate ay nasa 1% dapat at hindi lalagpas sa 1% ng tinasang halaga.
2. Saan magbabayad?
Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman o Municipal Treasurer's Office Angat (MTO) na nakasasakop sa mga lugar kung saan matatagpuan ang inyong ari-arian.
3. Anong mga dokumento ang dadalhin?
Alinman sa mga sumusunod:
✔️ Transfer Certificate of Title
✔️ Tax Declaration
✔️ Previous Official Receipt
4. Kailan ito dapat bayaran?
Ang pagbabayad ay maaaring gawin taun-taon o simula Enero 01 hanggang Marso 31 ng walang babayarang multa o interes o bago ang mga sumusunod na petsa:
March 31 - 1st quarter
June 30 - 2nd quarter
Sept 30 - 3rd quarter
Dec 31 - 4th quarter
5. Ano ang mangyayari kung hindi natin binabayaran ang atin mga buwis sa ari-arian?
Ang hindi pagbabayad ng basic real property tax, ay may karagdagang 2% na interes bawat buwan sa hindi nabayarang halaga. (local tax code)
At kung hindi maaayos kaagad, may mga parusa. Ang ari-arian ay maita-tag na tax-delinquent, o pinakamasamang kaso, na maaaring ialok ng lokal na pamahalaan para sa public auction.
Comments