Dinaluhan ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan ang Banal na misa para sa pagsapit ng unang araw ng Kwaresma. Ito ay apat na pung araw na nagsisimula sa Miyerkules ng Abo at natatapos sa Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday)
Pinangunahan ito ni Rev. Msgr. Manuel B. Villaroman at ibinahagi sa homilya na “Tayo ay alabok at sa alabok din tayo babalik”. Pinahahalagahan ng simbahan ngayong kwaresma ang 3 gawain, ang paglilimos sa kapwa, pananalangin at pag-aayuno.
Comments