top of page
bg tab.png

MOA para sa Localized Weather Information System sa Angat

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Ang Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST), MAPUA University, Project WEHLO ay nagsagawa ng Memorandum of Agreement Signing Program sa pagbuo at pagpapatupad ng "Localized Weather Information System" noong ika-1 ng Setyembre, 2023.


Ang programa ay naglalayon na mabigyan ang mga residente ng Angat ng napapanahon at agarang impormasyon ukol sa panahon na makakatulong sa atin upang mas mapaghandaan ang mga natural na sakuna at iba pang panganib na may kaugnayan dito. Isa rin sa magiging benepisyo nito ay maaring magamit sa ating sektor ng agrikultura.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Cong. Salvador Pleyto, Dr. Francis Aldrine Uy (University Fellow and WEHLO Project Leader Mapua University) at mga kasama, MDRRMO Ma. Lourdes Alborida, Municipal Administrator Noel C. Alquino at mga Pinuno ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan na isinagawa sa ating Municipal Conference Room.


6 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page