top of page
bg tab.png

Municipal Advisory Council (MAC) 3rd Quarterly Meeting


Dumalo si Punong Bayan Reynante S. Bautista sa ikatlong quarterly meeting ng Municipal Advisory Council (MAC) na ginanap kamakailan. Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ang mga naisakatuparang tungkulin at mga programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ilulunsad sa susunod na mga buwan.


Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Menchie Bollas at MAT Leader Mercedita Garcia ang presentasyon ng mga ulat at plano. Dumalo rin sa pulong ang ilang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal upang magbigay suporta at makilahok sa talakayan ukol sa mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mamamayan.


Layunin ng pagpupulong na masiguro ang epektibong implementasyon ng mga programa ng 4Ps at iba pang mga proyekto ng lokal na pamahalaan na nakatuon sa pagtulong sa mga nangangailangang pamilya at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay sa komunidad.

0 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page