
Binisita ngayong araw ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ang itinatayong gusali para sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Angat. Ito ay isang pagpapakita ng buong suporta para sa opisina lalo na sa ating mga office personnel at first responders na siyang tumutugon sa mga aksidente at panahon ng kalamidad sa ating bayan.
Ang pagtatayo at paglalaan ng pondo para sa dekalidad at makabagong istruktura't kagamitan ay upang mapaigting at mas maging maagap ang mga pagtugon ng kawani sa mga kalamidad.
Ito ay isang patunay na nakatuon sa progreso at reporma ang ama ng Bayan ng Angat upang maging Handa, Ligtas, at Panatag ang bawat Angateño.
Comments