MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE - IKINASA ANG OPLAN SUMVAC
- Angat, Bulacan
- 3 days ago
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 - MDRRMO, ay isinagawa ang OPLAN SUMVAC ngayong ika 20 ng Abril 2025 na naglalayong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa paparating na Semana Santa.
Bumaba ang #angatrescueteam sa iba't-ibang Barangay upang umikot at magbigay ng mga alituntunin na dapat sundin para makaiwas sa mga insidente sa paliligo sa Ilog Angat at sa papalapit na Lenten Season.
Matagumpay na naipaabot ang mga alituntunin patungkol sa paliligo sa Ilog ng Angat. Nagpamigay rin ang opisina ng mga booklet na naglalaman ng mga kaalaman sa pag iwas ng mga iba't-ibang sakuna.
Nagkaroon rin nang pagbisita ang mga kawani mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office upang alamin ang kalagayan ng mga turista na dumadayo sa kailugan ng Angat.
Sa pamumuno ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan ng Angat at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson, maging isa tayo sa nagkakaisang #handa #Ligtas at #Panatag na Bayan!
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
#MDRRMO Angat
Commenti