CALLING ALL ANGATENYO ARTISTS ‼️📣🖌️
Municipal Tourism Office- Angat
DIGITAL LOGO MAKING CONTEST MECHANICS
✅ Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng interesadong mga indibidwal na naninirahan sa Angat anuman ang edad.
✅ Ang disenyo ay dapat magbigay-diin at maging isang panlipunang representasyon ng tanggapan ng turismo ng bayan ng angat. (Maaaring may kaugnayan sa Gulayangat Festival, Simbahan ng Sta. Monica, Ilog Angat at iba pa)
✅ Ang disenyo ay dapat na 12 x 12 inches sa sukat sa 300 dpi na resolusyon. Ito ay dapat na ipasa sa png na format kasama ang one-page description ng ginawang logo. Ilagay dito ang pangalan ng artist, tirahan, at contact number.
✅ Ang logo design ay hindi dapat magpakita ng pangalan ng artist.
✅ Ang mananalong entry ay magiging pagmamay-ari ng pamahalaang bayan ng Angat
✅ Ang paligsahan sa paggawa ng logo ay dapat husgahan ayon sa mga sumusunod na kriteria:
Kaugnayan (Relevance) - 40%
Pagkamalikhain (Creativityt) - 25%
Orihinalidad (Originality)- 25%
Biswal na Epekto (VIsual Impact) - 10%
✅ Lahat ng mga entries ay dapat na ipasa sa tourismangat@hotmail.com sa mismong araw o bago ang April 12, 2024.
✅ Ang mananalo ay makakatanggap ng Php 10,000.00 samantalang ang ibang 9 na finalists ay makakatanggap ng Php 1,000.00 na iaanusnsyo sa April 15, 2024.
✅ I-like at ifollow ang page ng Municipal Tourism Office - Angat para sa mga updates
Comments