top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Munisipyo sa Barangay Banaban, Matagumpay na Naisakatuparan


Patuloy ang pagsasakatuparan ng programa ng Pamahalaang Bayan ng Angat na "Munisipyo sa Barangay" (MSB), kung saan matagumpay na naihatid ang iba’t ibang serbisyong pampamayanan sa 352 mamamayan mula sa Barangay Banaban.


Ang mga serbisyong ibinigay ay kinabibilangan ng:

- Libreng serbisyong medikal at dental

- Eye check-up

- Personal care services (libreng gupit at alis-kuto)

- Bakuna para sa mga hayop

- Libreng pamamahagi ng binhi

- Serbisyong nutrisyon para sa mga buntis at nagpapasusong ina

- Paggawad ng PWD, solo parent, at senior citizen ID


Pinangunahan ng Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang programa. Personal din nilang binisita ang 13 residente ng Barangay Banaban na hindi na makapunta sa lugar ng programa, upang maghatid ng food packs at assistive devices gaya ng wheelchair.


Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa Joni Villanueva General Hospital na nakatuwang sa pagbibigay ng mga serbisyong medikal, tulad ng medical check-up, laboratory tests, blood chemistry test, ECG, at pamamahagi ng libreng gamot.


Nagpasalamat din ang Pamahalaang Bayan sa Sangguniang Barangay ng Banaban, sa pangunguna ni Konsehal Aries Ignacio, pati na rin sa mga organisasyon gaya ng Angat Kalusugan at Angat Eye Clinic. Pinasalamatan din ang mga doktor at dentista na naging katuwang sa programa, kabilang sina:

- Dra. Marivic Rimando Abelardo

- Dra. Ana Patricia Abelardo Capinpin

- Dra. Nynia Syvenska Ong Reyes

- Dr. Primo de Guia


Ang programang "Munisipyo sa Barangay" ay patuloy na magbibigay ng serbisyo sa iba pang barangay bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang bayan na mas mailapit ang tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

7 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page