Matagumpay na naisagawa ang programang Munisipyo sa Barangay (MSB) sa Barangay Binagbag, na naging daan upang higit 428 indibidwal ang makinabang mula sa iba't ibang serbisyong inihatid sa kanila. Ang mga serbisyo ay kinabibilangan ng:
- Libreng Serbisyong Medikal at Dental
- Eye Check-Up
- Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
- Bakuna sa hayop
- Libreng binhi
- Serbisyong Nutrisyon para sa mga Buntis at Nagpapasusong Ina
- Libreng Konsultasyong Legal
- Senior Citizen ID
- PWD ID
- Solo Parents ID
- Philhealth Registration
Personal na binisita ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang ilang kababayan na may karamdaman at hindi kayang dumalo sa programa upang maghatid ng tulong.
Malaki ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa mga katuwang sa programa, kabilang ang Sangguniang Barangay ng Binagbag sa pangunguna ni Kap. Christopher Villarama, Angat Eye Clinic, Samahan ng Angat Kalusugan, mga doktor, dentista, at beterinaryo na nagbigay ng kanilang serbisyo.
Ilan sa mga nagbigay ng kanilang propesyonal na serbisyo ay sina:
- Dra. Marivic Rimando-Abelardo
- Dra. Nynia Syvneska Ong Reyes
- Dra. Ofelia Cruz
- Dra. Sharon Policarpio (Provincial Veterinary Office)
- Cierra Mae Fajardo
- Mark Bryan Espiritu
- Edmond Alvarado (Philippine Crop Insurance Corp.)
Ang matagumpay na programa ay nagpakita ng malasakit at pagtutulungan sa komunidad, naglalayong pagbutihin ang kalagayan ng bawat mamamayan sa iba't ibang barangay.
Comments