top of page
bg tab.png

Munisipyo sa Barangay Naghatid ng Serbisyo sa 611 mamamayan ng Pulong Yantok

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Matagumpay na naihatid ng Munisipyo sa Barangay (MSB) sa Pulong Yantok ang iba’t ibang serbisyong bayan sa 611 mamamayan sa pakikipagtulungan ng Angat Eye Clinic at Samahan ng Angat Kalusugan.


Personal na binisita ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang 40 kabarangay na may karamdaman at hindi kayang dumalo sa programa. Naghatid sila ng mga kagyat na pangangailangan gaya ng wheelchair at tungkod, na nagbigay ng ginhawa sa mga kapwa nila Angat.

Pinapurihan ng lokal na pamahalaan ang mga boluntaryong tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng programa. Kabilang dito ang Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok sa pangunguna ni Kapitan Renato San Pedro at mga doktor at dentista na sina:

 • Dra. Ofelia Cruz

 • Dr. Primo de Guia

 • Dra. Monina Manuel

Ang programa ay naging daan upang mabigyan ng atensyong medikal ang mga residente, lalo na ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal at dental. Ang MSB ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa malalayong lugar ng barangay.

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page