
Patuloy ang ating malasakit at pagkilos para sa bawat Angatenyo. Sa isinagawang Munisipyo sa Barangay sa Pulong Yantok, 611 na mamamayan ang nakatanggap ng iba't ibang serbisyong bayan katuwang ang Angat Eye Clinic at Samahan ng Angat Kalusugan. Hindi rin natin nalimutan ang 40 kabarangay na may sakit at hindi kayang dumalo. Personal nating silang binista sa kanilang tahanan upang maghatid ng agarang tulong pangkalusugan.
Buong lakas nating inihatid ang iba pang mga programang nakasentro sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay, kabilang ang mga sumusunod:
✅Libreng Serbisyong Dental
✅Eye Check-Up
✅Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
✅Bakuna sa hayop
✅Libreng binhi
✅Serbisyong Nutrisyon para sa mga buntis at breastfeeding mothers
✅Libreng Konsultasyong Legal
✅Seminar at Hygiene Kits para sa mga mag-aaral
Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng boluntaryo at katuwang sa programang ito, kabilang ang Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok sa pangunguna ni Kap. Renato San Pedro, volunteer doctors, Barangay Health Workers, Brgy. Tanod, Angat Kalusugan Volunteers at Jowable Youth Members sa kanilang oras at galing para sa ating mga kababayan.
Dahil sa sama-samang pagkilos, naipadama natin na ang tunay na serbisyo ay abot-kamay at walang pinipiling pagkakataon! #AsensoAtReporma
Comentários