Ipinamalas ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng tulong at serbisyong kinakailangan ng bawat sektor ng lipunan. "Sa halos dalawang taon po ng aming panunungkulan, siguro po ay nabigyan po namin ng patunay at pagkakataon ang lahat ng mga tao at mga sektor sa lipunan, maging mayaman o mahirap, na makahingi ng tulong at mga kinakailangan nilang serbisyo. Ito po ang katuparan ng aming mga pangako at pangarap. Hindi man po lahat, pero unti-unti ay nakakamit natin ang magandang estado ng ating bayan. Papunta na po tayo sa magandang progreso ng ating bayan para po sa asenso at magandang reporma na pinapatupad natin sa ating bayan," ani Mayor Bautista.
Isa sa mga patuloy na programa ng munisipalidad ay ang “Munisipyo sa Barangay,” na naglalayong maghatid ng iba't ibang serbisyo sa mga mamamayan. Kamakailan lamang, nakapaghatid ng serbisyo sa 436 residente ng Brgy. San Roque. Ang mga serbisyong inialok ay kinabibilangan ng:
- Libreng Serbisyong Medikal at Dental
- Eye Check-Up
- Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
- Bakuna sa hayop
- Libreng binhi
- Serbisyong Nutrisyon para sa mga Buntis at Nagpapasusong Ina
- Libreng Konsultasyong Legal
- Senior Citizen ID
- PWD ID
- Solo Parents ID
- Philhealth Registration
Kasama ang Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, binisita nila ang mga residente ng Brgy. San Roque sa pangunguna ni Kap. Nerio Valdesco. Personal nilang iniabot ang tulong tulad ng mga assistive devices (tungkod, wheelchair, walker) sa mga kababayang walang kakayahang makadalo sa programa.
Nagpapasalamat ang pamahalaang bayan ng Angat sa kanilang mga katuwang sa programang ito, kabilang ang Samahan ng Angat Eye Clinic, Angat Kalusugan, at ang mga doktor at dentista na boluntaryong naglaan ng kanilang panahon at kakayahan. Kabilang sa kanila sina:
- Dr. Tim Cinco
- Dr. Regie Trinidad
- Dr. Noel Esteban
- Dr. Monet Manuel
- Dr. Eric Valdecantos (DOH)
- Dr. Ofelia Cruz
- Mark Espiritu (Provincial Veterinary Office)
Ang patuloy na pagsisikap ng administrasyon ay patunay ng dedikasyon sa pag-aangat ng kalidad ng buhay ng bawat mamamayan ng Angat. Sa tulong ng mga ganitong programa, inaasahan na magpapatuloy ang pag-unlad at progreso sa ating bayan.
Comments