Patuloy na naghahatid ng malasakit!
Sa ilalim ng programang Munisipyo sa Barangay, matagumpay nating napagsilbihan ang 613 benepisyaryo ng Barangay Sta. Lucia, kasama na ang house visit para sa 28 mamamayan na may karamdaman at hindi kayang makadalo sa programa upang magpaabot ng kagyat na pangangailangan.
Lubos ang aming pasasalamat sa Apat Dapat Partylist sa pangunguna ni Cong. Charlotte Karen Dumancas, at sa ating mga katuwang sa serbisyong medikal—Angat Kalusugan, Angat Eye Clinic, at One Life sa pamumuno ni Niño Namoco. Nagbigay sila ng libreng vital sign check, blood test, urinalysis, ECG, X-ray, ultrasound, fetal doppler, at marami pang iba.
Isang malaking pasasalamat din sa Sangguniang Barangay ng Sta. Lucia, mga doktor, at dentista na tumulong sa programa, kabilang sina:
• Dra. Marivic Rimando Abelardo
• Dra. Ana Patricia Rimando Abelardo
• Dra. Monette Del Rosario Melencio
• Dr. Primo de Guia
• Dr. Eric Cruz
• Mark Bryan Espiritu
Salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit para sa ating mga kababayan. Sama-sama nating iaangat ang kalidad ng buhay ng bawat Angateño!
Comments