
Patuloy nating inilalapit ang serbisyong bayan sa bawat Angatenyo. Sa isinagawang Munisipyo sa Barangay sa Brgy. Sta. Lucia, 613 benepisyaryo ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo mula sa ating lokal na pamahalaan. Hindi rin natin pinabayaan ang ating mga kababayang may karamdaman—159 residente ang personal na binisita upang agad maipaabot ang kanilang pangangailangan.
Isang malaking pasasalamat sa Apat Dapat Partylist sa pangunguna ni Cong. Karen Dumancas, at sa ating mga katuwang sa serbisyong medikal: Angat Kalusugan, Angat Eye Clinic, at One Life sa pangunguna ni Niño Namoco, na naghatid ng libreng vital sign check, blood test, at laboratory tests tulad ng urinalysis, ECG, X-ray, ultrasound, at fetal doppler para sa mga buntis.
Buong lakas nating inihatid ang iba pang mga programang nakasentro sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay, kabilang ang mga sumusunod:
✅ Libreng Serbisyong Dental
✅ Eye Check-Up
✅ Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
✅ Bakuna sa hayop
✅ Libreng binhi
✅ Serbisyong Nutrisyon para sa mga buntis at breastfeeding mothers
✅ Libreng Konsultasyong Legal
✅ Seminar at Hygiene Kits para sa mga mag-aaral
Lubos din ang ating pasasalamat sa mga volunteer doctors, Barangay Health Workers, Brgy. Tanod, Angat Kalusugan Volunteers at Jowable Youth Members kanilang oras at galing para sa ating mga kababayan.
Serbisyo direkta sa tao, walang maiiwan!
Comments