Taos pusong pasasalamat sa ating mga volunteer doctors at Angatenyos na kasama nating nagbigay ng serbisyong pampamayanan. Hatid natin ang iba’t ibang programang nakasentro sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay kagaya ng mga sumusunod:
✅ Libreng Serbisyong Medikal at Dental
✅ Eye Check-Up
✅ Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
✅ Bakuna sa hayop
✅ Libreng binhi
✅ Serbisyong Nutrisyon para sa mga buntis at breastfeeding mothers
✅ Libreng Konsultasyong Legal
Personal din nating puntahan sa kanilang mga tahanan ang mga senior citizens at kababayan natng may karamdaman at kapansanan upang iparamdam ang isang pamahalaang abot-kamay at ramdam ang pinagdadaanan ng nasasakupan.
Comments