
Panawagan sa lahat ng mag aasikaso ng kanilang dokumento para sa kanilang unang trabaho. Naisabatas na ang First Time Job Seeker Assistance Act o Republic Act 11261 kung saan libre nang makakakuha ng mga dokumento na kailangan sa trabaho ang mga kababayang unang beses pa lamang mag hahanap ng trabaho.
Sa ilalim ng batas na ito, libre nang makakakuha ang mga first-time job seeker ng mga sumusunod na dokumento:
Police Clearance National Bureau of Invetigation Clearance Barangay Clearance Medical Certificate from public hospital Birth Certificate Marriage Certificate Transcript of Academic Records issued by state colleges and universities Tax Identification Number (TIN) Unified Multi-Purpose ID (UMID) card at iba pang dokumento na government issued na kailangan sa trabaho
Para makakuha ng mga ito, kinakailangan lamang na magpakita ng Barangay Certificate mula sa inyong barangay na magpapatunay na ikaw ay first-time job seeker.
Source: DILG-Bulacan
Comments