Isinulong natin ang mas maayos at responsableng operasyon ng quarry sa Angat. Sa pamamagitan ng pakikipagkonsulta sa mga eksperto, nailatag ang mga tamang hakbang upang mapanatili ang balanse sa kalikasan habang pinakikinabangan ang yaman ng bayan.
Sa kabila ng mahigpit na regulasyon, tumaas ang kita mula sa quarrying at sinigurong ito’y direktang mapupunta sa kapakinabangan ng mamamayan. Ang industriya ng quarrying sa Angat ay nananatiling isang mahalagang haligi ng lokal na ekonomiya.
Mahigpit naman na ipinatupad ang pagsasara ng mga illegal na operasyon ng quarry na nagdudulot ng panganib sa ating kalikasan at komunidad. Ang hakbang na ito ay patunay ng ating paninindigan para sa mas ligtas, mas maayos, at mas sustainable na Angat.
Comments