top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

National Local Social Pension para sa 1038 Senior Citizens sa Bayan ng Angat


Ipinamahagi sa mga senior citizens ng Angat ang kanilang National Local Social Pension para sa ikatlong kwarter mula sa pondong nasyunal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Umabot sa mahigit isang libo at tatlumpu't walong (1,038) senior citizens ang tumanggap ng tulong-pinansiyal na ito.


Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyal ng bayan, kabilang ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Kasama rin sa pagtitipon si Menchi Bollas, ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), at mga kawani mula sa Municipal Treasurer’s Office.


Layunin ng pagtitipon na magbigay ng kinakailangang tulong sa ating mga senior citizens at ipakita ang suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng katandaan. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga nakatatanda sa ating bayan.

0 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page