Nagpasa na ng batas ang ating gobyerno na naglalayong tanggalin ang polisiya na "No Permit No Exam!" Ang Republic Act No. 11984, nilagdaan ni Pangulong BongBong Marcos noong March 11, 2024, ay nagbibigay proteksyon sa ating mga estudyante laban sa diskriminasyon at pagsasamantala.
Sa pamamagitan ng batas na ito, bawal nang hadlangan ang mga estudyanteng walang kakayahang makabayad ng tuition o iba pang mga school fees na sumailalim sa mga pagsusulit. Ito ay isang hakbang patungo sa mas mahusay at makatarungang sistema ng edukasyon.
Ginagarantiya ng RA 11984 na ang bawat kabataan ay may pantay-pantay na pagkakataon na makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon. Ito ay alay natin sa mga mag-aaral na nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan.
Tandaan: Ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Patuloy tayong magsikap para sa mas maganda at pantay na lipunan para sa lahat.
Comments