Nitong umaga Oktubre 04, 2022 nagsagawa ng paghahakot ang ating MENRO Angat sa Brgy. Niugan kung saan naroon ang ating (Materials Recovery Facility) MRF at ang mga naipon at nagiling na basura tulad ng tuyong plastic at papel ay dinala natin sa Holcim cement sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.
Hinihingi namin ang inyong suporta at kooperasyon sa Ibinabang polisiya upang ang ating basura ay mabawasan at maibsan ang anumang polusyon at sakuna dumarating sa ating kapaligiran.
Maging responsable din tayo sa lahat ng bagay kahit sa simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lagayan ay malaking tulong na ito sa ating bayan at di lang sa ating bayan kundi sa ating kalusugan.
Paalala pong muli "NO SEGREGATION, NO COLLECTION."
"Maging parte ng Solusyon, Hindi ng Polusyon"
"Itapon ang basura sa tamang lagayan"
Commentaires