WALANG KATOTOHANAN ang lumalabas na balita na binigyan ng PERMISO ng Pamahalaang Bayan ang Angat ang diumano’y panghihingi ng donasyon o pinansyal na suporta ng nagpakilalang Filipino Katoliko, Incorporated mula sa Compostela Davao De Oro.
Totoong nagpunta sa Tanggapan ng Punong Bayan ang mga kinatawan ng grupo na sina Rev. Fr. Denard Ignacio Castillo at tatlo pa niyang mga kasama upang personal na humingi ng suporta sa diumano’y pagpapagawa nila ng Seminaryo at Simbahan. Bilang konsiderasyon ay pinagkalooban sila ng kaunting tulong na personal at binigyan ng CERTIFICATE OF APPEARANCE batay sa kanilang pakiusap.
Nilalaman ng CERTIFICATE OF APPEARANCE na sila ay personal na nagsadya sa ating Munisipyo. Hindi nito nilalayon na magbigay ng PERMISO sa kanilang grupo upang umikot sila sa bayan ng Angat at manghingi ng anumang tulong pinansiyal.
Para sa mga Angatenyo, MAGING MAINGAT at huwag magpaloko sa mga indibidwal o grupong gagamit ng kasinungalingan upang patotohanan ang kanilang mga pakana para sa pansariling kapakinabangan. Hindi masama ang magbahagi ng anumang maaaring iambag para sa mga nanghihingi ng tulong subalit kilatising mabuti ang kanilang pagkatao at intensyon.
Maraming salamat po!
Comments