Nitong August 13, 2024 ay tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang P500k na pondo mula sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o kilala rin sa tawag na Kabuhayan Program na pinangunahan ni DOLE Bulacan Chief LEO Leilani Reynoso. Ang pondo ay gagamitin para sa Water lily-based Handicraft Production na mayroong 25 na benepisyaryo.
Ipinamigay din ang mga tseke/suweldo na naglalaman ng 40% na parte ng DOLE para sa benepisyaryong nakasali sa Special Program for Employment of Students (SPES).
Comments