Batay sa Resolusyon Blg 2023-001 ng Sangguniang Bayan, EXTENDED po ang pagsasaayos ng BUSINESS/MAYOR’S PERMIT sa Bayan ng Angat. Ito ay bilang konsiderasyon sa mga di inaasahang pangyayari na nakaantala sa pagpoproseso ng mga rekisitos para makakuha ng business permit.
Para sa mga may-ari ng iba’t ibang negosyo/establisimyento, maaari pa pong isagawa ang pagsasaayos ng inyong BUSINESS/MAYOR'S PERMIT hanggang Pebrero 2, 2023 , Lunes - Biyernes (maliban sa Enero 23), alas-5:00 ng hapon sa ating Business One Stop Shop (BOSS) sa loob ng ating Munisipyo. Wala pong multa o anumang dagdag na bayarin ang pagsasaayos na ito.
Comentarios