
Bilang kasamang tigapagtaguyod ng ating ekonomiya, mahalagang tiyakin na ang ating mga magsasaka at mangingisda ay may sapat na suporta, lalo na sa panahon ng sakuna.
Kaya’t patuloy nating pinalalakas ang mga programa upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa panahon ng kalamidad—mula sa pagbibigay ng agarang ayuda tulad ng financial assistance at farm inputs, hanggang sa mga pangmatagalang solusyon gaya mga post-disaster rehabilitation activities.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, sinisiguro nating hindi sila nag-iisa sa pagharap sa mga hamon ng panahon. Ang ating pagsisikap ay hindi lamang para sa kanilang kapakanan kundi para rin sa seguridad sa pagkain at patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Ang isang mas matatag na sektor ng agrikultura at pangisdaan ay nangangahulugan ng mas matibay na Angat para sa lahat.
Comments