top of page
bg tab.png

PAGBUO NG TANGGAPAN NG TURISMO AT TOURISM DEVELOPMENT ACTION PLAN

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Bilang bahagi ng adhikaing gawing sentro ng kultura at turismo ang Angat, binuo ang opisyal na Tanggapan ng Turismo upang tumutok sa pagpapalakas ng turismo sa bayan. Kaakibat nito ang pagbalangkas ng isang komprehensibong Tourism Development Action Plan na naglalayong maipakita ang likas na yaman, kasaysayan, at tradisyon ng Angat sa mas maraming tao.


Layunin ng planong ito na hikayatin ang mga lokal at dayuhang turista na bisitahin ang Angat sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad at proyektong pang-promosyon. Kasama dito ang pag-organisa ng mga cultural events, eco-tourism projects, at pagpapakilala ng mga natatanging produkto ng bayan. Pinagtuunan din ng pansin ang pagbuo ng maayos na imprastruktura at serbisyo na susuporta sa turismo, tulad ng mga signage, access roads, at visitor centers.


Ang Tanggapan ng Turismo ay aktibo ring nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang makakuha karagdagang suporta para sa mga proyekto. Sa pamamagitan ng pagkilos na ito, layuning maipakita ang potensyal ng Angat bilang isang makulay at progresibong destinasyon habang nagbibigay ng dagdag na kabuhayan sa mga lokal na komunidad.


Ang pagtatatag ng opisina at plano ay patunay ng pangako ng lokal na pamahalaan na gawing mas maunlad ang Angat sa larangan ng turismo habang pinapanatili ang yaman ng kalikasan at kultura ng bayan.

2 views0 comments

ความคิดเห็น


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page