Ang pagdadaraos ng lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng mga kawani mula sa Municipal Planning and Development Office. Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, Angat PNP, Angat BFP, mga Pinuno ng Tanggapan gayundin ang lahat ng kawani ng ating Pamahalaang Bayan.
Nagbigay din ng mensahe ang ating Punong Bayan sa isasagawang Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment, kung ano man ang maging resulta nito ay dapat maging basehan upang mas lalong pag igihin ng ating mga pamahalaang bayan ang pagseserbisyo sa ating publiko. Ibinahagi din ang pagpasa sa Gawad Kalasag ng ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.
Mainit naman na tinanggap ng ating Punong Bayan ang ating bagong hepe ng pulisya na si PMAJ Mark Anthony San Pedro na ating makakatuwang sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa ating bayan.
Commentaires