Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang taunang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week na may temang “Senior Citizens - Building Nation, Inspiring Generations.” Ang okasyon ay inilaan para sa mga senior citizen ng bayan bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan.
Pinangunahan ni MSWDO Menchie M. Bollas at ng kanyang mga kawani ang naturang programa, kasama ang Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, at mga kasapi ng Sangguniang Bayan. Naroon din sina FSCAP President Elisa Vicente at OSCA President Rita L. Cruz upang makiisa sa selebrasyon.
Isang tampok na bahagi ng programa ang pagbibigay ng parangal sa mga sentenaryo mula sa bayan ng Angat, bilang pagkilala sa kanilang mahabang panahon ng paglilingkod at pamumuhay. Ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng mga pagkilala at insentibo upang mas lalong maipadama sa mga senior citizen ang kanilang kahalagahan sa komunidad.
Patuloy ang hangarin ng Bayan ng Angat na magpatupad ng mga programa na nagbibigay suporta at pagpapahalaga sa mga nakatatanda, na kinikilala bilang mga inspirasyon at haligi ng kasaysayan at pag-unlad ng bayan.
Comments