top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pagdiriwang ng ika-126 Taong Kalayaan ng Pilipinas


Pagdiriwang ng ika-126 Taong Kalayaan ng Pilipinas sa temang "Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan." Ang tema ay naglalayong magbigay-pugay sa ating kasaysayan at muling alalahanin kung paano nakamit ang kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop. Ito rin ay simbolo ng katapangan, pagkakaisa, at kadakilaan ng mga Pilipino.


Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Mons. Manny Villaroman, kasama ang mga pari. Sinundan ito ng Pagtataas ng Bandila ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal.


Pinangunahan ang programang pagpupugay ng Punong Bayan Reynante S. Bautista, katuwang sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Angat PNP, Angat BFP, mga School Heads, mga kapitan, at mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaan bayan.


Binigyang-diin ni Mayor Reynante S. Bautista sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng paglingon sa ating kasaysayan upang mas maunawaan ang ating kinabukasan. Aniya, "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay ‘di makararating sa paroroonan."


Hinimok niya ang mga Angatenyo na balikan ang kasaysayan at alalahanin ang sakripisyo ng mga rebolusyonaryong Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa. Binanggit din niya ang iba't ibang anyo ng pakikibaka para sa kalayaan sa kasalukuyang panahon, tulad ng paglaban sa panghihimasok ng dayuhan, korupsyon sa pamahalaan, at ang banta ng negatibong epekto ng pagbabago ng klima.

Ayon kay Mayor Bautista, mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan-ang pamahalaan, simbahan, paaralan, at bawat pamilya, upang gabayan ang mga kabataan at panatilihing buhay ang diwa ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Sa ganitong paraan, aniya, matitiyak ang pagkakaroon ng isang maunlad, makatarungan, at malayang bansa sa hinaharap.

20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page