Ipinamalas ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ang kasiyahan at pagkakaisa sa matagumpay na Year End Party 2024 na ginanap kasama si Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Dumalo rin si George Bautista bilang kinatawan ni Cong. Salvador Pleyto upang makiisa sa makulay na selebrasyon.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor Bautista ang taos-pusong pasasalamat sa dedikasyon at pagtutulungan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaisa ng bawat sektor ng pamahalaan upang maihatid nang maayos ang mga serbisyong pampubliko para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Bilang bahagi ng programa, ginawaran ng pagkilala ang ilang kawani na nagbigay ng 20 taong tapat na serbisyo sa bayan. Ang naturang selebrasyon ay naging simbolo ng pagkakaisa at pagkilala sa bawat kontribusyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa tagumpay ng bayan.
Comments