Para sa mga kukuha ng Tax Declaration at iba pang Certifications, kailangan na po ninyong magdala ng Authorization Letter o kaya naman ay Special Power of Attorney (SPA) kung hindi kayo ang may-ari ng lupa o registered owner ng property.
Alinsunod ito sa RA 10173 - Data Privacy of 2012.
Tandaan ang mga sumusunod:
1) Ang Authorization Letter ay kailangan kung ikaw ay kamag-anak ng may-ari ng lupa.
2) Ang Special Power of Attorney (SPA) ay kailangan kung ikaw ay hindi related o hindi kamag-anak ng may-ari ng lupa.
3) Ang Secretary's Certificate ay kailangan kung ang registered owner ng property ay isang corporation o private company.
Palaging magdala ng valid ID para sa may-ari at sa kanyang authorized representative.
Kung may katanungan, makipag ugnayan sa aming opisina.
Comments